UHAY (NewsLetter)
CITY MEET,nilahukan
Ni: Amery Kyle C. Quinto
Isa sa pinakaabangan ng mga batang mag-aaral ang City Meet na idinaos noong Oktubre 23-25, 2013. Ang naturang paligsahan ay ginanap sa Bataan Sports Complex, Talisay, Balanga City na nilahukan ng mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya sa lungsod ng Balanga. Nilahukan ng mga batang mag-aaral ng BSES ang iba’t ibang events tulad ng athletics,chess, volleyball girls,at basketball. Bagamat hindi pinalad ang mga mag-aaral na magkamit ng karangalan, isang tagumpay pa ring maituturing ang kanilang paglahok sapagkat sa pamamagitan nito naranasan nila ang maging isang manlalaro na magpapatibay ng kanilang kumpyansa upang tuparin ang kanilang mga pangarap na maging isang ganap na manlalaro sa darating na henerasyon
|
DIVISION FUN RUN,tagumpay
Ni: Christian Paul G. Atuan Naging matagumpay ang pagdaraos ng Division Fun Run ng Division of City of Balanga na ginanap noong Agosto 30, 2013 sa M. Delos Memorial Elem. School na pinangunahan ni G. Armando Capili. Layunin nito na magkaroon ng sapat na kaukulang pondo ang mga man lalaro sa ating dibisyon na magagamit sa mga kagamitang pangisports, pagkain, at uniporme ng mga magiging manlalaro ng ating dibisyon. Nagkaroon muna ng isang maikling paltuntunan na kung saan nagbigay ng mensahe si Dr. Ronaldo Pozon na nagpaabot ng kanyang pagbati sa mga manlalaro sapagkat naniniwala siyang maraming medalya ang makakamit sa taong ito. Sinundan ito ng mensahe ni G. Armando Capili na nagpasalamat sa lahat ng mga tumulong upang maging matagumpay ang Fun Run na kanyang inilunsad. Sa pagkakaisa at pagtutulungan, ang lahat ay na niwala at umaasa na makakamit na ng Dibisyon ng Balanga ang karangalang ginto.
|
5th Education Summit at PTA Induction of Officers, dinaluhan
Ni: Maxime T. Paguio Dinaluhan ng mga Guro, General Parent Teacher Association (GPTA) at Homeroom PTA Officers ang ikalimang Education Summit na ginanap noong Hulyo 17-18,2013 sa Emiliana Hall,Tenejero, Balanga City. Ito ay isa patuloy na programa ng pamahalaang panglungsod na ang lalayong mapalawak pa ang kaalaman ng mga guro at gayundin ng mga magulang sa ating lungsod upang sa pagdating ng panahon ay makamit natin ang pinakamataaas na hangarin ng ating butihing Mayor Joet S. Garcia para sa ating ing lungsod para ang maging WORLD CLASS at makilala sa buong mundo higit sa lahat, sa larangan ng edukasyon. Kaya’t puspusan ang ating Mayor sampu ng kanya sanggunian sa pagkakamit nito. Naging panauhing pandangal sina Dr. Hal Urban at Dr. Fred Jones sa okasyong ito Tinalakay nila ang _____________________________. Nagtapos ang programa pagtatalaga at panunumpa ng mga HRPTA at GPTA officers.
|
Educhild Parenting Program,patuloy pa rin
Ni: Samantha Nicole A. Sarmiento Isa pa rin sa programa na patuloy na sinusuportahan ng Paaralang Bagong Silang ay ang Educhild Parenting Program na inilunsad ng pamahalaang panglungsod ng Balanga. Dinaluhan ito ng 21 mga magulang mula sa Kinder hanggang sa ikaanim na baitang sa AVR ng BSESna nagsimula noong Agosto 26, 2013 . Ginaganap ito tuwing Huwebes ng hapon sa pamamahala ng pangulong guro na si Gng. Edna Q. Polache kasama ang mga guro na sina G. Norberto A. Villafuerte, Gng. Josephine I. Reyes at Gng. Jonalyn Q. Tancio. Naging panauhin din si G. Rolly Dizon na nagbigay ng sapat na kaalaman sa tamang paggabay sa kanilang mga anak gayundin sa pagpapatibay ng relasyon ng bawat magasawa. Kung kaya naman isa na namang tagumpay itong maituturing. |
K-12 Basic Education Curriculum Orientation, ginanap
Ni: Sharmaine Ellaine A. Santuyo
Ginanap noong Hunyo 8, 2013 sa AVR ng BSES ang nasabing orientasyon na dinaluhan ng mga magulang ng mga mag-aaral sa unang baitang at ilan pang mga stakeholders. Ito ay pinangunahan ng Pang-ulong Guro, Gng. Edna Q. Polache Layunin ng orientasyon na ito na ipaliwanag ang kahalagahan ng karagdagang taon sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Pinakikita lamang ditto na hindi tumitigil ang Kagawaran ng Edukasyon na mas lalo pang mapataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
|
Sa Brgy. Bagong Silang: Eleksyon 2013, payapang naidaos!
Ni:John Patrick Martonito
Oktubre 28, 2013- Mapayang naidaos ang Barangay Election sa Paaralang Elementarya ng Bagong Silang. Ang naturang eleksyon ay pinamahalaan ng COMELEC katuwang ang mga guro ng BSES. Tahimik at maayos na natapos ang halalan kung kaya noong ikawalo ng gabi, ipinroklama ang nahalal na kapitan at mga kagawad ng sangguniang pambarangay. Narito ang mga mamumuno sa Barangay Bagong Silang: Kapitan: Doroteo M. Austria Mga Kagawad: 1. Kgwd. Arcadia L. Dizon 2. Kgwd. Romeo B. Lazo 3. Kgwd. Ricado S. Isuan 4. Kgwd. Cesar M. Cruz 5. Kgwd. Conrado Almamento 6. Kgwd. Jorge Reyes 7. Kgwd. Ernesto Marquez Kaya naman isang pagbati ang handog namin sa inyong lahat. Inaasahan namin ang inyong tapat na pag- lilingkod at serbisyong pampubliko para sa ating barangay. Muli, Congratulations and Mabuhay! |
DOH nagsagawa ng Mass Deworming
Ni: Joana Irish Lindayen
Ang Department of Health (DOH) katuwang ang Department of Education ay nagsagawa ng Mass Deworming sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa ating bansa. Alinsunod dito, nakiisa ang Dibisyon ng Balanga maging ang ating paaralan sa programang ito.noong ika-3 ng Setyembre 2013 sa ilalim ng pamamatnubay ng ating mga Barangay Health Workers na sina Gng. Arceli Madera at Gng. Rose Aguila , at ng ating School Health Coordinator na si Gng. Ruby P. Reyes. Layunin ng programang ito ang maayos at malusog na pangangatawan ng mga batang mag-aaral gayundin ang lahat ng mga kawani ng gobyerno.
|
Teachers’ Day, ipinagdiwang
Ni: Lizzel G. Atuan Bilang pakikibahagi at pakikiisa sa National Teachers Month at World Teachers’ Day, pinangunahan ng SPG officers ang isang munting selebrasyon para sa mga guro ng BSES noong ika-3 ng Oktubre sa BSES Quadrangle. Isang masaya at makabuluhang pagdiriwang ito para sa mga guro sapagkat sa araw na iyon, muling ipinadama ng mga mag-aaral ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklalak,simpleng regalo at paghahandog ng awitin tanda ng kanilang pasasalamat sa kanilang mga guro. Kasunod nito, Oktubre 4,2013 ginanap ang pang- dibisyong pagdiriwang ng Teachers’ Day sa Emiliana Hall, Tenejero, Balanga City. Nagsimula ang okasyon sa pamamagitan ng isang misa na pinangunahan ni Rev. Fr.________________________ . Sinundan ito ng isang pagbati ni Dr.Ronaldo Pozon, Division Superintendent ng Division of City of Balanga. Isa rin sa panauhin si Mayor Joet Garcia na nagbigay mensahe sa mga guro na lalo pang pagibayuhin ang kalidad ng edukasyon sa ating lungsod. Muli niyang ibinahagi ang mgagandang proyekto ng lungsod para sa mga mag-aaral, gayundin sa mga guro. Kabilang na rito ang isang City Library na makikita sa City Hall ng ating lungsod na maaring magamit ng lahat ng mamamayan. Sa selebrasyon ding ito, ginawaran ng parangal ang mga Retired Teachers kabilang ang tatlong Supervisors ng ating lungsod na sina Dr. Felicisima Oria at Gng. Teresita Nisay at G. Fernando Cortez. Naging highlight din sa okasyon ang paggawad sa mga Outstanding Teachers ng bawat paaralan. Kabilang sa mga ginawaran sina Gng. Josephine I. Reyes (Master TeacherI), Jonalyn Q. Tancio (Teacher III), Gng. Puresa G. Atuan (Teacher II), at G. Norberto Villafuerte (Teacher I). Sa pagtatapos, ipinakilala rin ang mga kalahok sa Ms. DEPEd na inorganisa ng BPSTEA. Isa sa mga kalahok si Gng. Jonalyn Q. Tancio na representative ng Paaralang Elementarya ng Bagong Silang.
|
Daryl Cari at Denise Joi Bocauto,itinanghal na Mr. & Ms. UN 2013
Ni: Ayessa May S. Diwa Nakamit ni Daryl Cari (Grade II-Narra) at Denise Joi Bocauto (Kinder C) ang Mr. and Ms. United Nations Titlle sa isang Fund Raising Contest na pinaangunahan ng mga magulang at guro ng Bagong Silang Elementary School. Bawat baitang at pangkat ay may kani-kanilang re-presentative para sa nasabing kompetisyon. At noong Nobyembre 4, nagkaroon ng parade ang lahat ng mga kalahok sa kompetisyon suot ang National Costume na kanilang inirerepresent . Sinundan ito ng programa na kung saan rumampa ang mga kalahok at nagpakitang gilas ng kanilang mga talento. Nakamit ni Mr. Mexico, June David Salazar ang Mr. Talent at ni Ms. Costa Rica, Trisha Mae Calumno ang Ms. Talent. Gayundin nasungkit naman ni Ms. China, Jastine Claire Francisco at Mr. Philippines Gillian Ritch Rodriguez ang Mr. & Ms. Photogenic. Napili din sina Mr. Philippines at Ms. Costa Rica bilang Best in Costume. Itinanghal din sina Mr.& Ms. Mexico June David Salazar at Arielica Guevarra bilang Mr. & Ms. UN 2nd Runner Up at Mr. & Ms. Philippines Gillian Ritch Rodriguez at Airalyn Roldan bilang Mr. & Ms. UN 1st Runner Up.
|