Daryl Cari at Denise Joi Bocauto,itinanghal na Mr. & Ms. UN 2013

posted Dec 12, 2013, 5:40 PM by Brenda Lee Labang

Ni: Ayessa May S. Diwa

 

             Nakamit ni Daryl Cari (Grade II-Narra) at Denise Joi Bocauto (Kinder C) ang Mr. and Ms. United Nations Titlle sa isang Fund Raising  Contest na pinaangunahan ng mga       magulang at guro ng  Bagong Silang Elementary School.  Bawat  baitang at pangkat ay may kani-kanilang re-presentative  para sa nasabing kompetisyon.

At noong Nobyembre 4, nagkaroon ng parade ang lahat ng mga kalahok sa kompetisyon suot ang National     Costume na kanilang inirerepresent . Sinundan ito ng         programa na kung saan rumampa ang mga kalahok at             nagpakitang gilas ng kanilang mga talento.  Nakamit ni Mr. Mexico, June David Salazar ang Mr. Talent at ni Ms. Costa Rica, Trisha Mae   Calumno ang Ms. Talent.  Gayundin nasungkit naman ni  Ms. China, Jastine Claire Francisco at Mr. Philippines Gillian Ritch Rodriguez ang Mr. & Ms. Photogenic. Napili din sina Mr. Philippines at Ms. Costa Rica bilang Best in Costume.

Itinanghal din sina Mr.& Ms. Mexico June David Salazar at  Arielica Guevarra bilang Mr. & Ms. UN 2nd Runner Up at Mr. & Ms. Philippines Gillian Ritch Rodriguez at   Airalyn Roldan bilang Mr. & Ms. UN 1st Runner Up.

 

Comments