DIVISION FUN RUN,tagumpay

posted Dec 12, 2013, 6:10 PM by Brenda Lee Labang

Ni: Christian Paul G. Atuan

 

                 Naging matagumpay ang pagdaraos ng Division Fun Run ng Division of City of Balanga na ginanap noong Agosto 30, 2013 sa M. Delos Memorial Elem. School na pinangunahan ni G. Armando Capili. Layunin nito na magkaroon ng sapat na kaukulang pondo ang mga man lalaro sa ating dibisyon na magagamit sa mga kagamitang pangisports, pagkain, at uniporme ng mga magiging manlalaro ng ating dibisyon.

Nagkaroon muna ng isang maikling paltuntunan na kung saan nagbigay ng mensahe si Dr. Ronaldo Pozon na nagpaabot  ng kanyang pagbati sa mga manlalaro sapagkat naniniwala siyang maraming medalya ang makakamit sa taong ito. Sinundan ito ng mensahe ni G. Armando Capili na nagpasalamat sa lahat ng mga tumulong upang maging matagumpay ang Fun Run na kanyang inilunsad.

Sa pagkakaisa at pagtutulungan, ang lahat ay na  niwala at umaasa na makakamit na ng Dibisyon ng Balanga ang karangalang ginto.

 

Comments