Educhild Parenting Program,patuloy pa rin

posted Dec 12, 2013, 6:05 PM by Brenda Lee Labang

Ni: Samantha Nicole A. Sarmiento

             Isa pa rin sa programa na patuloy na             sinusuportahan ng Paaralang Bagong Silang ay ang Educhild Parenting Program na inilunsad ng        pamahalaang panglungsod ng Balanga.  Dinaluhan ito ng  21 mga magulang mula sa Kinder hanggang sa ikaanim na baitang sa AVR ng BSESna nagsimula noong Agosto 26, 2013 . Ginaganap ito tuwing Huwebes ng hapon sa pamamahala ng pangulong guro na si Gng. Edna Q. Polache kasama ang mga guro na sina          G. Norberto A. Villafuerte, Gng. Josephine I. Reyes at Gng. Jonalyn Q. Tancio. Naging   panauhin din si G. Rolly Dizon na nagbigay ng  sapat na kaalaman sa tamang paggabay sa kanilang mga anak  gayundin sa pagpapatibay ng relasyon ng bawat magasawa. Kung kaya naman isa na namang tagumpay itong maituturing.

Comments