Unang Pwesto,nasungkit sa Photojournalism

posted Nov 28, 2013, 4:58 AM by Brenda Lee Labang

Ni: Isaaah Marie P. Mendoza

Nag-uwi ng karangalan si Christian Paul Atuan, mag-aaral sa ika-anim na baitang nang        masungkit niya ang 1st Place sa Photojournalism (English Category) o Pagkuha ng Larawang Pam-       pahayagan sa ginanap na Division School Press   Conference  noong ika-11 ng Oktubre sa Balanga  Elementary School.

Ang naturang paligsahan ay nilahukan ng mga batang mag-aaral sa pribado at pampublikong paaralan sa dibisyon ng Balanga kabilang ang Bagong Silang Elem. School. Iba’t ibang kategorya ang nilahukan ng mga piling mag-aaral ng BSES na sina Safhna Dass(Newswriting-English), Samantha Nicole A. Sarmiento (Newswriting-Filipino), Ayessa May Diwa (Feature Writing-English), Regine A. Izon (Feature writing-Filipino), Maxime Faye Torres (Sports Writing-English), John Patrick Martonito (Sports Writing- Filipino) at Sharmaine Ellaine     Santuyo (Photojournalism(Filipino).

Bagamat hindi lahat ay nakapaguwi ng panalo sa kompetisyon, kompyansa pa rin ang ating pambato na si Christian Paul Atuan sampu ng mga kasamahan nyang nagwagi sa kompetisyon sa DSPC na muli nilang masusungkit ang mga parangal sa darating na Regional Press Conference na gaganapin sa Fontana, Angeles Pampanga sa Nobyembre          28-29, taong kaslukuyan.