Teachers’ Day, ipinagdiwang

posted Dec 12, 2013, 5:50 PM by Brenda Lee Labang

Ni: Lizzel G. Atuan

 

                 Bilang pakikibahagi at pakikiisa sa National   Teachers Month at World Teachers’ Day, pinangunahan ng  SPG officers  ang isang munting selebrasyon para sa mga guro ng BSES noong ika-3 ng Oktubre sa BSES           Quadrangle.

             Isang masaya at makabuluhang pagdiriwang ito para sa mga guro sapagkat sa araw na iyon, muling ipinadama ng mga mag-aaral ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklalak,simpleng regalo at paghahandog ng awitin tanda ng kanilang pasasalamat sa kanilang mga guro.

Kasunod nito, Oktubre 4,2013 ginanap ang pang-          dibisyong pagdiriwang ng Teachers’ Day sa  Emiliana Hall,   Tenejero, Balanga City. Nagsimula ang okasyon sa    pamamagitan ng isang misa na pinangunahan ni Rev. Fr.________________________ .

Sinundan ito ng isang pagbati ni Dr.Ronaldo Pozon,   Division Superintendent ng Division of City of Balanga. Isa rin sa panauhin si Mayor Joet Garcia na nagbigay mensahe sa mga guro na lalo pang pagibayuhin ang kalidad ng      edukasyon sa ating    lungsod. Muli niyang ibinahagi ang mgagandang proyekto ng lungsod para sa mga mag-aaral, gayundin sa mga guro. Kabilang na rito ang isang City    Library na makikita sa City Hall ng ating lungsod na maaring magamit ng lahat ng mamamayan.

Sa selebrasyon ding ito, ginawaran ng parangal ang mga Retired Teachers kabilang ang tatlong Supervisors ng ating lungsod na sina Dr. Felicisima Oria at Gng. Teresita Nisay at G. Fernando Cortez.

Naging highlight din sa okasyon ang paggawad sa mga Outstanding Teachers ng bawat paaralan. Kabilang sa mga  ginawaran sina Gng. Josephine I. Reyes (Master TeacherI), Jonalyn Q. Tancio (Teacher III), Gng. Puresa G. Atuan (Teacher II), at   G. Norberto Villafuerte (Teacher I).

Sa pagtatapos, ipinakilala rin ang mga kalahok sa        Ms. DEPEd na inorganisa ng BPSTEA. Isa sa mga kalahok si Gng. Jonalyn Q. Tancio na representative ng Paaralang             Elementarya ng Bagong Silang.

 

Comments