Unang Pwesto sa Fabric Painting , nasungkit ni De Andres

posted May 15, 2011, 8:36 PM by Elvina Perez

Nobyembre 19, 2010 nang ganapin ang Divison Step Contest sa Balanga Elementary School. Ang nasabing patimpalak ay nilahukan ng mga piling mag-aaral sa dibisyon ng Balanga kabilang ang mga mag-aaral sa Bagong Silang Elementary School. At isang napakalaking karangalan ang naiuwi ni Eugene De Andres, nang masungkit niya ang unang pwesto sa Fabric Painting sa ilalim ng pagsasanay ni Gng. Josephine I. Reyes. Si De Andres, ang siyang magiging representative n gating division sa Regional Step Contest.

Iba’t ibang kategorya din ang pinaglabanan ng mga mag-aaral. KAbilang sa mga kalahok sina Kathleen S. CApitle Flower arrangement, Pyar Lovelyn C. Dass – Applique, John Cedric Aguila – Sales Inventory Rochelle Pangilinan – Fruit Shake Making at Liza May P. Tironez – Tie Dye.

Comments