CITY MEET,nilahukan

posted Dec 12, 2013, 6:22 PM by Brenda Lee Labang

Ni:  Amery Kyle C. Quinto 

            

Isa sa pinakaabangan ng mga batang mag-aaral ang City Meet  na idinaos noong Oktubre 23-25, 2013.  Ang naturang paligsahan ay ginanap sa Bataan Sports Complex, Talisay, Balanga City na nilahukan ng mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya sa lungsod ng Balanga.

                 Nilahukan ng mga batang mag-aaral  ng BSES ang iba’t ibang events tulad ng athletics,chess, volleyball girls,at basketball. Bagamat hindi pinalad ang mga mag-aaral na magkamit ng karangalan, isang tagumpay pa ring maituturing ang kanilang paglahok sapagkat sa pamamagitan nito naranasan nila ang maging isang manlalaro na magpapatibay ng kanilang kumpyansa upang tuparin ang  kanilang mga pangarap na maging isang ganap na manlalaro sa darating na henerasyon

 

Comments